11/25/2013

Mga Kapamilya Eula Caballero


Masaya si Eula Caballero na naging maganda ang takbo ng hero-seryeng pinagbibidahan niya sa TV5, (2010-2014) ABS-CBN MMK
 ang Cassandra: Warrior Angel.
Malapit nang magtapos ito at aminado ang young actress na malaki ang natutunan niya pagdating sa acting habang ginagawa nila ang nasabing serye.
Sabi niya, “Actually, pinilit naming kuhanan lahat yesterday and, so far, nakuhanan naman namin lahat.
"And they have to edit some parts kasi masyadong mahaba and then yung sa mga voice-overs, okay na rin.
"So, I think, so far, I think kumpleto na kami.”
Dagdag ni Eula, “I guess we have to wait lang from the editors, baka may mga hindi papasang eksena, baka i-reshoot so...
"So far naman, naka-block-off pa kami for taping ng two days pa, pero natapos na naming lahat.”
Marami rin daw nadiskubre si Eula sa pasikut-sikot sa loob ng production—kung paano makibagay at makisama sa lahat ng production people.
Sabi niya, “Actually, una na siguro sa natutunan ko na sa industriyang ito, na iba-iba ang pamamalakad, na iba-iba ang atake ng bawat tao sa bawat production.
"Pati artista, iba-iba ang atake nila, so iba-iba ang pangangailangan.
"Like sa Cassandra, action kami, horror-drama-fantasy, so ang dami naming pangangailangan.
"So, I just learn to accept and adjust.”

No comments:

Post a Comment